Kabanata 1 : Sa Ibabaw ng Kubyerta |
Isang umaga noong Disyembre, ang Bapor Tabo ay naglayag sa Ilog Pasig. Papunta ito sa Laguna. Matatagpuan sa ibabaw ng kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, Donya Victorina, Kapitan Heneral, Padre Irene, Padre Salvi, at Simoun. Ang tingin ng mga tao kay Simoun ay mataas dahil alam nila na siya ay nakaimpluwensiya sa Kapitan Heneral. Napag-usapan ng mga tao sa ibabaw ng kubyerta ang tungkol sa pagpapalalim ng Ilog Pasig. Sinabi ni Simoun na gumawa ng isang tuwid na kanal na magkokonekta sa lawa ng Laguna at look ng Maynila. Sila ni Don Custodio ay nagkasaguyan. Sinabi niya na kumbinsihin na lamang ang mga tao na may alagang itik. Ang mga suso sa ilog ay kinakain naman daw ng itik. Dahil dito, ang mga tao ay maghuhukay sa ilog upang may mahuling suso na ipapakain sa kanilang itik.
Subalit, hindi nagustuhan ni Donya Victorina ang ideya dahil siya ay nandidiri sa balot. |
Kabanata 2 : Sa Ilalim ng Kubyerta |
Sa isang sulok sa ilalim ng kubyerta naroroon ang dalawang binatang si
Basilio at Isagani. Si Basilio ay kilala sa paggagamot at si Isagani ay
isang makata. Kausap nila si Kapitan Basilio.
Napag-usapan nila si Kapitan
Tiyago at napaling ang usapan sa paaralang balak ng mga estudyante ukol
sa pagtuturo ng mga Kastila. Nagtalo ang dalawang binata at ang kapitan
sa pagtatagumpay nito na siyang dahilan ng paglayo ng kapitan.
Napag-usapan din ng dalawa ang kasintahan ni Isagani na si Paula Gomez.
Bumaba si Simoun at nakita ang
dalawang binata. Ipinakilala ni Basilio si Isagani kay Simoun. Sinabi ni
Simoun na ayon sa mnakararami ay mahihirap daw ang mga nakatira sa
lalawigan ni Isagani na siyang kinainis nito. Ipinagtanggol niya ang
mahal niyang lalawigan. Napangiti si Simoun at sinabing kaya niya ito
nasabi dahil ang mga pari sa lalawigan ni Isagani ay mga Pilipino.
Inaya ni Simoun ang dalawa na
uminom ng serbesa ngunit tinanggihan ito ng dalawa. Sinabi ni Simoun na
ayon kay Padre Camorra ay nakabubuti ang serbesa sa atin na pinabulaanan
ng dalawang binata.
" Lumuluhod sa alak at sa serbesa na pumapatay ng apoy; na kapag
pinainit ay sumusulak; nagiging malawak na dagatan at gumugunaw ng
santinakpan." Sambit ni Isagani na siyang ikinagulat ni Simoun.
Nagsambit din si Basilio ng isang berso sa tula ni Isagani.
Nang umalis si Simoun saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang
mag-aalahas na tinawag na Kardinal Moreno. May dumating na utusan.
Ipinatawag ni Padre Florentino ang pamangkin. Nguni’t nakita ng kapitan
si Padre Florentino at ito’y inanyayahang pumanhik sa ibabaw ng kubyerta. |
Kabanata 3 : Ang mga Alamat |
Ikinuwento ng Kapitan ang alamat
ng Malapad-na-bato. Ito ay banal para sa mga katutubo noong una dahil
ito ang tahanan ng mga espiritu. Subalit ng tirhan ito ng mga tulisan ay
nawala ang takot ng mga mamamayan sa mga espiritu at nasalin naman sa
mga tulisan.
Sunod na alamat na ikinuwento ay ang alamat tungkol kay Donya Geronima.
Si Padre Florentino ang nagkwento ng alamat sapagkat inanyayahan siya ng
Kapitan. “May magkasintahan sa Espanya. Naging arsobispo sa Maynila ang
lalaki habang nagbabalatkayo ang babae. Sinundan ng babae ang arsobispo
at hiniling na sundin ang pangakong kasal nila. Ngunit iba ang naisip ng
arsobispo at sa halip ay itinira niya ang babae sa isang yungib malapit
sa Ilog Pasig”. Nagandahan si Ben Zayb sa alamat habang nainggit naman
si Donya Victorina dahil gusto niya ring manirahan sa isang kweba.
Nalipat
naman ang paksa nila tungkol sa alamat ni San Nicolas kung saan niligtas
niya ang isang intsik sa pagkamatay sa mga buwaya na naging bato
pagkatapos dasalan ng intsik ang santo.
Pumunta sila sa lawa at tinanong
ni Ben Zayb kung saan roon namatay ang isang Guevarra, Navarra o Ibarra.
Itinuro ng kapitan kung saan, naghanap ng bakas si Donya Victorina at
sinabi naman ni Padre Salvi ay nakasama daw ng ama ang bangkay ng
kanyang anak. Ayon naman kay Ben Zayb, ito ang pinakamurang libing at
nagtawanan sila. |
Kabanata 4 : Kabesang Tales |
Si Tandang Selo ang umampon kay Basilio. Ang anak nitong si Kabesang
Tales ay namatayan ng anak at asawa dahil sa malaria. Si Huli at Tano
ang natira at si Huli na syang kasintahan ni Basilio ay binenta ang
alahas na pagmamayari ni Maria Clara upang may maipantubos sa ama. Ang
lupang pinagtaniman ng mga tubo ni Kabesang tales ay inangkin ng mga
prayle at pinatawan ito ng buwis ng may makitang pera sa kanya ay
dinakip ito at matutubos sa halagang 500.
Sa kasawiang palad walang nakuhang pantubos si Juli at sya’y namasukan
bilang katulong sa tahanan ni Hermana Penchang at dahil rito hindi na
nakapag aral si Huli. Masalimuot ang kanyang panaginip ng gabing iyon
Si Kabesang Tales ay isa nang Kabesa de Barangay.
Si Kabesang Tales ay ang anak ni Tandang Selo na tumulong noon kay
Basilio sa kagubatan. Sina Lucia na namatay sa malaria kasama ang
kanyang asawa, si Tano at si Julia ng anak ni Kabesang Tales. Sa
pakikipagsapalaran ni Kabesang Tales sa bukid, natagpuan ni Kabesang
Tales ang isang lupa na walang nagmamay-ari kung kaya’t ginawa nyang
tubuhan. Dahil sa sipag at
tiyaga ni Kabesang Tales ay umunlad ang bukid.
Dahil sa maunlad ang ang bukid ay pinagkitaan ito ng mga prayle
at pinagbayad ng buwis si Kabesang Tales. Hindi pumayag si Kabesang
Tales ngunit pinayuhan siya ni Tandang Selo na isipin na lamang itong
kanyang alagang buwaya na lalong lumalaki ang gastos. Sinubukan itong
tutulan ni Kabesang Tales ngunit siya man ay walang nagawa at tuluyang
nakulong. Bilang anak nito, si Juli ay ginawa ang lahat upang makalaya
ang kanyang ama kasama na dito ang pamamasukan bilang katulong kay
Hermana Penchang. |
Kabanata 5 : Ang Noche Buena ng Kutsero |
Gabi na nang makauwi si Basilio sa bayan ng San Diego at kasalukuyang
nagaganap ang prusisyong pang noche buena. Nalimutan ng kutsero ang
kanyang sedula kaya't naabala sila sa daan dahil kinailangan muna itong
bugbugin ng mga gwardiya sibil.
Pagkatapos nito'y dumaan ang imahen ni Metusalem, ang pinakamatandang
taong nabuhay sa mundo, kasunod nito ang imahen ng tatlong Mago.
Naalala dito ni Sinong si Haring Melchor na kayumanggi ang balat.
Itinanong kay Basilio ng kutsero kung nakawala na si Bernardo Carpio na
naipit sa kabundukan ng San Mateo. Naniniwala kasi sila na ito ang Hari
ng mga Pilipino na diumano'y makapagpapalaya sa bayan. Pagkaraan ay
nakita nila ang ibang imahen at sa huli ay ang imahen ng Birheng Maria.
Matapos ang prusisyon, napuna ng mga sibil ang karitela ng kutsero dahil
di nito namalayan na namatay na ang ilaw ng parol. Hinuli ito at dinala
sa presinto kaya't naglakad nalang si Basilio.
Habang naglalakad, napansin nya na wala gaanong mga palamuti ang mga
bahay at tahimik ang karamihan maliban sa bahay ni Kapitan Basilio na
nagkakasiyahan. Kabilang dito ang Kura, Alperes at si Simoun.
Nang makarating si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago, sinalubong sya ng
mga katiwala at ikinwento ang mga nangyari
bukid. Maraming namatay na hayop at mga katiwala na lubos na
pinanghinayangan ni Basilio. Ang huling balita ay ang pagkakadakip kay
Kabesang Tales, ang ama ng kasintahan nyang si Huli. |
Kabanata 6 : Si Basilio |
Madaling araw ng binisita ni Basilio ang gubat ng mga Ibarra.
Ipinagdasal nya ang kaluluwa ng kanyang ina at inalala ang nangyari
labing-tatlong taon ang nakararaan na minsang may tumulong sakanyang
lalaki. Naalala din nya ang lalaking tumulong sa kanya sa oaglilibing sa
lalaking sugatan at sa kanyang ina. Kalaunan ay lumuwas sya ng Maynila
dahil sa hirap na nararanasan ay naisip nyang magpasagasa na lamang sa
karwahe. Sakto naman na karwahe ito ni Kapitan Tiyago, isinama nya si
Basilio at nagging tagasilbi ng kapalit nito ay ang pag-aaral nya sa
Letran.
Noong una ay hindi makasabay si Basilio at lagging pinagtatawanan ngunit
sa husay nito at pagpapakitang gilas. Kalaunan ay lumipat ito sa Ateneo
Munipal at doon nag-aral ng medisina. Sa ikatlong taon ay marunong na
itong manggamot kaya nakapag ipon na din. Kapag nakatapos ng pag-aaral
si Basilio at pakakasal na sila ni Huli |
Kabanata 7 : Si Simoun |
Nakita ni Basilio na may paparating kaya siya ay nagtago sa isang puno.
Nakita niya na si Simoun ito na naghuhukay kaya't siya ay lumabas at
lumapit para tumulong.
Tinutukan siya ng baril ni Simoun at tinanong kung siya ay nakikilala
nito at kilala nga ni Basilio ang totoong katauhan ni Ibarra.
Papatayin na sana ni Simoun ang binata ngunit dahil sa halos pareho sila
ng sinapit ay hindi niya itinuloy.
Nagkaroon sila ng pagtatalo patungkol sa paghihiganti dahil tila hindi
nais ni Basilio na maghiganti dahil hindi nito maibabalik ang kabyang
ina at kapatid, at sa kanilang pagtatalo lalong lumakas ang loob ni
Simoun sa kanyang paghihiganting binabalak.
May isang lalaking mulato ang dumating at naghukay gamit ang asarol.
Nakilala naman ni Basilio ang taong ito. Ang taong naghuhukay ay si
Ibarra na dating tumulong na magpalibing sa pagpapalibing sa ina ni
Basilio at lalaking sugatan labing-tatlong taon na ang lumipas na ngayon
ay nagpapanggap bilang si Simoun, isang mag-aalahas. Natigatig si Simoun
ng malamang nakikilala siya ni Basilio. Ang pagpatay ni Simoun sa mga
taong nakakaalam ng kanyang sikreto ay hindi nangyari kay Basilio
sapagkat pareho rin sila ng kapalarang dating naging mulala. Sinubukang
hikayatin ni Simoun si Basilio na sumali sa kanyang binabalak na
paghihigante ngunit naging matigas si Basiio sa kanyang pinaniniwalaan.
Mas lalo namang tumibay ang pagnanais ni Simoun na makapaghiganti. |
Kabanata 8 : Maligayang Pasko |
Nang sumapit ang umaga, agad pumunta si Huli sa kinalalagyan ng Mahal na
Birhen upang tingnan ang inaasahang dalawandaan at limampung piso sa
ilalim nito subalit hindi naghimala ang Mahal na Birhen at hindi niya
ito natagpuan. Dahil ditto ay nilibang na lamang ni Huli ang sarili sa
pag-aayos ng damit mla sa tampipi na dadalhin patungo sa tahanan ni
Hermana Penchang. Pumunta ang mga kamag-anak ni Tandang Selo kasama ang
kanilang mga anak na nakabihis ng magara upang mamasko ngunit walang
lumabas na salita sa bibig ng ingkong ni Huli nang batiin niya ang mga
bisita. Sa puntong ito, kanilang napagtanto, napipi si Tandang Selo.
Ang inakalang naghihimalang Mahal na Birhen ni Juli ay hindi natupad.
Inabala na lang ni Juli ang kanyang sarili at nag-ayos ng kanyang mga
damit na dadalhin sa pagpunta kay Hermana Penchang. Si Tandang Selo
naman ay tuluyan ng nakapinid ang kanyang mga labi noong minsang pumunta
ang kanyang mga kamag-anak upang mamasko suot-suot ang magagarang damit.
Pinisil pisil nya pa ang kaniyang lalamunan at sinubukang magsalita
ngunit tanging alatiit lamang ang kanilang naririnig. |
Kabanata 9 : Ang Mga Pilato |
Agad na kumalat ang balita ng pagkapipi ni Tandang Selo at naging
usap-usapan sa buong bayan. Ang ilan sa mga mamamayan ay nagbigay ng
kanilang opinyon tungkol dito at sinabing hindi sana mangyayari iyon kay
Tandang Selo kung hindi umalis si Kabaesang Tales. Samantala, sumalungat
at ibinalik naman ni Hermana Penchang ang sisi sa matanda. Aniya ay
parusa daw ito dahil hindi tinuruan ng maayos ni Tandang Selo, Nagbigay
din siya ng opinyon ukol sa pagtubos ni Basilio sa kasintahan at
sinabing isang demonyo ang binata at ibig magpahamak sa kaluluwa ng
dalaga. Samantala, dahil sa tulong na salapi ni Juli ay nakauwi na si
Kabesang Tales.
Nakuha ni Huli ang salapi sa perang pinagbilhan ng alahas, pangungutang
kay Hermana Penchang at ang salaping pinagbentahan ng lupa. Dahil hindi
na pagmamay-ari ng babae ang lupa, pinapaalis na siya ng hukuman sa
bahay at binigyan ng tatlong araw para alisin ang mga gamit dito. Ang
pangyayaring ito’y ikinatuwa ng mga pari at ng bagong may-ari ng lupa
subalit ikinalugmok sa isang tabi at nabalisa ang Kabesa. |
Kabanata 10 : Kayamanan at Karalitaan |
Tumuloy si Simoun ka Kabesang Tales na naghihirap na, kaniyang dala ang
mga kailangan at mga alahas. Ipinagmalaki niya ang rebolber habang
dumating naman ang mga bibili ng alahas. Doon at namili sina Kapitan
Basilio, si Sinang at ang asawa. Dumating din si Hermana Penchang.
Namili si Sinang ng kwintas ngunit tinawaran ito ni Simoun ng limandaang
piso dahil ito ay kay Maria Clara. Ngunit sabi ni Hermana Penchang na
tanungin muna si Huli bago ito ipagbili, pumayag naman sila.
Si Kabesang Tales ay umalis dahil kinailangan niyang sumapi sa tulisan,
kinuha niya ang rebolber ni Simoun at sinabi naman nito na siya’y
magingat. Hinuli si Tandang Selo, samantala, tatlo ang pinatay ni
Kabesang Tales ng gabing iyon: ang prayle, ang lalaking gumagawa sa lupa,
at ang asawa nito na putol ang leeg at puno ng lupa ang bibig. Sa tabi
ng babae ay “Tales” na nakasulat sa papel at ang ioinansulat ay dalising
isinawsaw sa dugo.
Tuluyang nahanap ni Simoun ang taong kanyang hinahanap, isang pangahas
ngunit marunong tumupad sa pangako sa katauhan ni Kabesang Tales. Ito ay
noong minsang manuluyan si Simoun sa bahay ni Kabesang Tales. Si
Kabesang Tales ay narahuyong sa alahas na dala ni Simoun dahil naisip
nya na maaari nyang matubos si Juli kung makakakuha siya ng kahit maliit
na brilyante sa mga alahas na iyon. Sumama si Kabesang Tales sa mga
tulisan at kinuha ang rebolber ng mag-aalahas. Pinaalalahanan niya si
Simoun tungkol sa pahamak na matatamo ni Simoun sa mga tulisan. |
Kabanata 11 : Los Banos |
Naglalaro sina Simoun ng baraha at siya ay nagbigay ng mga kakaibang
kundisyon sa kanyang kalaban para sa pusta.
Ipinagbawal ng Heneral ang mga armas de salon subalit, sinabi ni Simoun
na huwag itong ipagbawal sa halip ay magkaroon na lamang ng iisang sukat
na kasalukuyang nabibili noon.
Tumutol din si Simoun sa pagpapatayo ng Akademya dahil sa ito'y
kahina-hinala. |
Kabanata 12 : Placido Penitente |
Malungkot si Placido Penitente habang patungo sa Unibersidad ng Santo
Tomas sapagkat tulad ng dalawang sulat niya sa ina'y ibig na niyang
tumigil sa pag-aaral. Nasa ika-apat na taon na siya sa pag-aaral at
hiniling na kahit batsilyer sa artes ay matapos niya. Tila isang
palaisipan naman sa kanyang mga kababayan sa Tanawan, Batangas kung
bakit siya titigil sa pag-aaral sapagkat siya nama'y isang matalinong
bata, walang bisyo, walang kasintahan, at laban sa mga aral ng Tandang
>Basyong Makunat. Nasa liwasan si Placido ng tapikin siya sa balikat ni
Juanito Palaez—isang mayabang na anak ng isang mestisong Kastila
atvpaborito ng mga guro. Sa kanilang pag-uusap ay natalakay nila ang mga
pangyayari sa bakasyon ni Juanito sa Tiyani kung saan hinarana raw sila
"ni Padre Camorra ng mga naggagandahang babae at wala raw silang bahay na
hindi napanhik. Natigil lamng ang kanilang usapan ng manghingi ng abuloy
si Juanito para sa monumento ng isang paring Dominikano at binigyan
naman ito ni Placido. Sa unibersidad naman ay nakikipagtalo si Isagani
sa isang aralin. Napatingin naman ang mga tao sa karwahe kung saan lulan
ang katipan ni Juanito na si Paulita Gomez at nginitian siya ni Donya
Victorina na tiyahin ni Paulita. Si tadeo nama'y isang estudyanteng
papasok lamang upang alamin kung may pasok at kung wala'y magdadahilang
maysakit ngunit nakakapasa at himala na lamang na napasunod kay Paulita
sa simbahan. Ang iabng mag-aaral ay nakapasok na ngunit may tumawag kay
Placido upang lumagda sa kasulatang tutol sa paaralang pinaplano ni
Makaraig kaya't siya'y nahuli sa klase. Sa kanyang pagpasok sa silid ay
naisip niyang ito na ang panahon upang makilala ng guro mula sa 150
kaklase kaya't pinatutunog niya ang takong ng sapatos. Nabastusan naman
ang kanyang guro at sinabing bibigayn siya ng parusa |
Kabanata 13 : Ang Klase sa Pisika |
Sa isang klase sa Pisika, ang isang guro ay nagtanong sa isang
estudyante. Dumating si Padre Millon at itinuloy niya ang pagtatanong sa
estudyante nang hindi na niya masagot ang tanong, siya’y binulungan ni
Juanito Pelaez at ito ang kaniyang sinagot. Sumunod na tinawag sa Pelaez
dahil nalaman nilang binubulungan niya ang estudyante. Siya’y tinanong
din ng Padre. Si Placido Penitente ang siyang bumubulong ng sagot kay
Pelaez, nang hindi marinig ni Pelaez ang bulong ni Penitente, inapakan
niya ang paa nito na dahilan upang malaman nilang binubulungan niya si
Pelaez. At dahil sa pangyayaring iyon, si Penitente naman ang pinatayo
at tinanong. Mayroong isang tanong ang Padre na hindi masagot ni
Penitente, at ito’y hindi nagustuhan ng Padre. Siyay’y napagalitan at
nasabihang bibigyan ng masamang marka dahil ang kaniyang sinagot ay
masama, pati na rin ang kaniyang pagliban sa mga klase nang ilang beses.
Si Penitente at ang Padre ay nagkaroon ng diskusyon, sa huli, si
Penitente ay umalis ng klase nang walang paalam at siya’y nagsabi na
siya’y maaaring markahan nila ng kahit ano, ngunit wala silang
karapatang siya’y aglahiin. |
Kabanata 14 : Sa Bahay ng mga Mag-aaral |
Si Makaraig ay nakatira sa isang malaking bahay. Dahil ito'y maluwag,
may mga binata nanangungupahan dito. Siya ay mayaman at kumuha siya ng
kursong abogasya. Siya'y pinuno ng kilusan ng Akademika ng wikang
Kastila. Kung kaya't inimbitahan niya sina Isagani, Sandoval, Pecson at
Pelaez upang pag-usapan ang kanilang layunin.
Naniniwala sina Isagani at Sandoval na papayagan ang pagbubukas ng
paaralan subalit si Pecson ay nagdududa. Kaya sila'y nagkaroon ng debate
kung ano ang kanilang gagawin sa kanilang paaralan. Si Sandoval ay
simbolo ng mga Kastila na pinahahalagahan ang mga Pilipino. Iniulat
naman ni Makaraig na ipinagtatanggol sila ni Padre Irene sa mga
sumasalungat sa kanilang adhikain. Kailangan din daw nila na pumanig sa
kanila si Don Custodio, isa sa mga kataas-taasang lipon ng paaralan.
Mayroon silang dalawang taong malalapitan upang makumbinse nila si Don
Custodio. Sila ay sina Ginoong Pasta na isang manananggol at ang
mananayaw na si Pepay. Napagdesisyunan nila na si Ginoong Pasta ang
kanilang lapitan. |
Kabanata 15 : Ginoong Pasta |
Sinadya ni Isagani si Ginoong Pasta upang kuhanin ito bilang manananggol
at pumanig sa kaniya sakali mang kuhanin ito ni Don Custodio. Ngunit
napagpasyahan ni Ginoong Pasta na huwag makialam ditto dahil ito ay
isang maselang bagay. Pinahanga naman niya si Ginoong Pasta sa kaniyang
naging ganting katwiran na kinakitaan ng katalinuhan at katayugan ng
kanyang pag-iisip. |
Kabanata 16 : Kasawian ng isang Intsik |
Sinisingil ni Simoun ang isang intsik na nagngangalang Quiroga sa
kanyang utang na siyam na libong piso.
Inalok ni Simoun si Quiroga na babawasan niya ng dalawang libong piso
ang kanyang utang kung papayag si Quiroga na itago ang mga armas sa
kanilang bahay at napilitang sumang-ayon si Quiroga. |
Kabanata 17 : Ang Perya Sa Quiapo |
Maraming dumalo sa perya. Tuwang-tuwa si Padre Camorra sa dami ng
magagandang dalaga at naghimutok dahil nais na nyang maging kura sa
Quiapo. Nakasalubong nya sina Paulit kasama sina Isagani at Donya
Victorina. Sina Padre Camorra ay may pinasok na tindahan na mga tau-tauhang
kahoy, may nakita silang larawan na kahawig ni Simoun. Hinaanap nila ang
mag aalahas ngunit wala ito. Ayon kay Padre Camorra baka natakot ito
dahl pagbabayarin nila ang pagpasok at paglabas ni Mr.Leeds. Sabi naman
ni Ben Zayb baka natakot itong matuklasan nila ang lihim ng kanyang
kaibigan na si Mr.Leeds. Ani rin nya “Makikita ninyo’t ang lahat ay sa
salamin lamang”. |
Kabanata 18 : Ang Mga Kadayaan |
Pinuntahan ni Mr. Leeds ang mga panauhin sa kanyang perya. Bago pa
magsimula ang palabas, naghahanap si Ben Zayk upang mahanap ang salamin
sa kanyang inaasahang lugar ngunit wala siyang nahanap.
Si Mr. Leeds ay pumasok sa isang pinto at may hawak
na siyang kahong kahoy sa kanyang pagbabalik. Sinabi
niyang ito ay natagpuan niya sa isang libingang nasa
pyramid ni Khufu, Isang Paraon ng Ehipto. Naglalaman ng
abo at kapirasong papiro na may dalawang salita. Nang
lumabas ang unang salita ni Mr. Leeds sa kanyang bibig,
nabuhay ang abo at ang ulo ay nagsasalita.
Pagkabigkas ng ikalawang salita ni Mr.Leeds, bumalik ito
sa dating puwesto. Nagsabi siya ng isang salita at
nagsimula ng magkwento ang ulo na si Imuthus. Kinuwento
nito ang mga pangyayaring dati pang naganap. Kasama sa
kwento ang hindi totoong namamahala na si Sumerdis na
dapat si Gautama, isang magnanakaw na laging may
pandaraya. Marami ang nangyari kay Imuthus dahil lang sa
pandaraya. Siya ay pinatay ngunit sabi niya kay Mr.
Leeds na nabuhay siya upang ipahayag ang kataksilan.
Hinimatay si Padre Salvi ng makita niya ito. Sumunod na
araw, pumuntang Hongkong dala ang lihim.
|
Kabanata 19 : Ang Mitsa |
Si Placido Penitente ay galit nag alit at halos hindi makapagtimpi, gusting maghiganti. Nakita niyang dumaan si Padre Sibyla at Don Custodio. Napadaan siya sa Escolta at nadaanan ang dalawang Agustino. Gusto niya itong pag-undayan ng suntok, ngunit siya’y nagpigil. Nadaanan niya ang dalawang kadete at sinagasaan ito. Dumating si Kabesang Andang sa kaniyang tinutuluyan na taga- Batangas. Naghinagpis ito nang malamang hindi na makakapag-aral si Placido. Umalis si Placido at nilibot ang Sibakong, Tundo, San Nicolas at Sto. Kristo. Umuwi siya dahil sa pagod at inakalang wala na ang ina ngunit nandoon pa ito. Nagsermon ang ina tungkol sa pagtitiis. Umalis ulit siya at pumuntang bapor, naisipan niyang mag Hongkong upang magpayaman at kalabanin ang pari pabalik. Nakita niya si Simoun sa perya at sila ay nagkwentuhan, pumunta sila sa karwahe at nakita si Isagani at Paulita. Sila ay nakarating sa pagawaan ng pulbura. Sapat na raw kay Simoun sina Kabesang Tales ang kabinero at isang rehinameyento dahil pag pinagpaliban ang plano ay baka patay na si Maria Clara.Umuwi na si Placido at nakinig na siya sa kaniyang ina, pinauwi niya ito sa Batangas dahil baka malaman ng prokudor na naroon siya at hihingian pa ito ng regalo at pamisa. |
Kabanata 20 : Si Don Custodio |
Si Don Custodio de Salazar y Sanchez de Monteredondo o kaya mas kilala
bilang “Buena Tinta”, ay isang kilalang tao sa Maynila. Siya ay
nakapag-asawa ng isang babaeng mayaman at dahil doon ay nakatayo siya ng
isang negosyo. At kahit na kaunti lamang ang kanyang kaalaman, ay
pinupuri siya ng mga tao dahil sa kanyang kahanga-hangang kasipagan; at
ang mga usapin sa akademya ng wikang Kastila ay pinagkakatiwalaang
malutas ni Don Custodio.
Nang makarating siya ng Espanya ay hindi siya pinansin dahil sa kaunti
lamang ang kaniyang napag-aralan at wala pang isang tao’y bumalik siya
ng Pilipinas at pinagyabang ang hindi naming totoong magandang karanasan
niya sa Madrid.
Sinabing niyang isang siyang amo at tagapagtanggol at para sa kanya ang
mga Pilipino’y ipinanganak para lamang maging mga sunod-sunuran. |
Kabanata 21 : Mga Anyo ng Taga-Maynila |
Nang gabing iyon, nagkaroon ng pagtatanghal sa teatro de Variendades,
ang Les Choches de Corneville ng bantog ng mga Pranses. Marami ang
dumalo para rito. May lumapit na lalaki kay Camarroncocido siya ay si
tiyo Kiko. Pinakitaan siya ng mamisong Mehikano. At iisa ang kanilang
hanapbuhay; pagdidikit ng mga paskil.
Nagkaroon ng iba’t ibang opinion ang mga tao sa Maynila. Mayroong mga
di-sumang-ayon sapagkat ito’y masagwa at laban sa moralidad ngunit
mayroon ding sumang-ayon rito. Naging malaki at malaganap ang
bulung–bulungan at kasama ring nababanggit ang Kapitan Heneral, si
Simoun, si Quiroga, at mga artista.
Ayon kay Camarroncocido, sa halip na sumunod sa mga prayle ay sinuway ng
mga tao ang sinabi nito na wag manood ng palabas.
Nang makaalis si tiyo Kiko ay may napansin si Camarroncocido na mga
taong kahina-hinala. Isang kagawad ng hukbo ang kumausap sa kanila,
pagkatapos siya ay lumapit sa karwahe at nakipag-usap sa taong lulan.
Nakarinig si Camarroncocido ng putok ng baril at umalis ang karwahe.
Naisip niyang may binabalak ang mga ito.
Habang naglalakad si Camarroncocido ay nakarinig siya ng pag-uusap, ani
ng isa na may hawak na rosaryo at kalmen: Mas malakas ang mga kura kaysa
sa mga heneral. Ang heneral ay umaalis; ang mga kura ay naiiwan, at
yayaman tayo. Ang hudyat lamang ay isang putok.
Sa labas ng dulaan naroroon si Tadeo kasama ang isang baguhan sa lungsod.
Niloloko niya ito sa pagsasabi ng mga kahanga-hangang kasinungalingan.
Sinasabi niya na kaibigan niya ang mga malalaking tao kahit hindi ito
totoo. Dumating si Paulita at ang kanyang tiya na si Donya Victorina.
Nakilala ni Tadeo si Padre Irene at dumating din si Don Custodio.
Dumating sina Makaraing, Pecson, Sandoval, at Isagani. Kanilang inalok
si Tadeo na manood dahil may labis na tiket sila. Iniwan ni Tadeo na
mag-isa ang kasama niya na taga-lalawigan. |
Kabanata 22 : Ang Palabas |
Magulo at maingay ang mausok na paligid at samu't-saring gawain ang
ginagawa ng mga tao. Naaliw naman sa panonood ang mga tao sa isang
lalaki na nakaupo at ayaw umalis sa pwestong pagmamay-ari ni Don
Primitivo. Hindi naman ito mapaalis ng mga tanod sapagkat mataas rin ang
pwesto nito. Nang dumating ang Heneral ay tumugtog ang Marcha Real.
Masaya ang lahat maliban kay Isagani dahil nakita niya si Paulita na
kasama si Juanito Pelaez na kanyang karibal. Umawit ang Pransesang si
Gartude ng awitin na puno ng tsismis ng linggo. Isinasalin naman ni
Tadeo ang kanta sa Kastila at nakigaya naman si Juanito na hindi naman
gaanong maalam sa Pranses. Umawit rin si Serpolette at may isang
pumalakpak sa una. Ito ay si Padre Irene na pinag eespiya ni Padre Salvi
sa kung masama ba ang ginagawang palabas. Si Juanito ay patuloy sa
pagpapanggap na maalam sa Pranses at siyang nakikisabay sa mga tao sa
kanilang ginagawa. Kapag ang mga tao'y tumatawa ay tumatawa rin siya na
tila kanyang naintindihan ang ugat ng pinagtatawanan. Humanga naman sa
kanya si Donya Victorina at ninais niyang pakasalan kapag namatay na si
De Espadaña. Umubo nang hindi kanais-nais si Juanito at nagalit si Don
Custudio at siya'y sinigawan at nais paalisin. Napag-usapan rin ang
hindi pagsipot ni Simoun sa palabas. Pinagtatalunan naman ng mga
mag-aaral ang kagandahan at kapangitan ng wikang Pranses. Dumating nang
malungkot si Makaraig at sinabing napasiyahan na raw ang paaralan ayon
kay Padre Irene. Ito ay pinahintulutan subalit ipapailalim sa
Unibersidad ng Sto Tomas sa kamay ng mga Dominikano. |
Kabanata 23: Isang Bangkay |
Pauwi na si Basilio nang siya'y makarinig ng papalapit na yabag at makakita ng liwanag. Siya'y nagtago sa isang puno ng balete at SA kabila nito'y huminto ang taong dumating. Nagsimula itong maghukay. Nakilala ito ni Basilio at walang iba kundi ang mag-aalahas na si Simoun na siyang tumulong sa kanya labing tatlong taon na ang nakalilipas para ilibing ang kanyang ina at ang lalaking sugatan. Lumabas sya mula sa puno at tumulong sa paghuhukay ngunit tinutukan siya nito ng baril. Tinanong sya nito kung nakikilala niya ito na sinagot ni Basilio ng oo. Inaakala daw ng iba na ito'y patay na ngunit nakilala nya ito bilang si Ginoong Ibarra. Naisip ni Simoun na patayin ito dahil malaking sekreto ang nalaman nya ngunit sinabi ni Basilio na pareho lang sila ng pinagdaanan at nais makamit ang katarungan. Sinabi ni Simoun na siya nga si Ibarra at nilibot nya ang mundo para magpayaman at bumalik upang maghiganti sa mga sumira sa kanyang buhay. Nais niyang imulat ang natutulog na damdamin ng mga mamamayan para ipagtanggol ang bayan. Sinasalungat ni Simoun ang plano nila Basilio na magtayo ng paaralan ng Wikang Kastila at gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas. Ayon pa dito'y magmumukhang walang sariling pagkakakilanlan ang Pilipinas na pati kapintasan at hiram dahil sa pagpupumilit na hiramin ang wika ng Espanya. Sinagot ito ni Basilio, anito'y wikang Kastila ang nagbubuklod sa lahat na siyang tinutulan ni Simoun dahil iilan lang naman ang nakakaalam ng wikang ito. Tinutuligsa ni Simoun ang mga taong kinakaligtaan ang sariling wika at nagpapanggap na hindi nakakaunawa nito. Mas mabuti pa daw kung pauunlarin nalang ang katutubong wikain at magkaroon ng layuning pambansa. Dapat din ay wag hayaan ang mga kastilang mamuno sa ating mga Pilipino dahil sila'y mga dayuhan lamang. Sa pamamagitan nito'y mas matatamo nila ang tunay na kalayaan. Ito ang dahilan kung bakit hinayaan ni Simoun na buhayin si Basilio, Isagani at Makaraig sa kabila nang kaalamang maaaring maging hadlang ang mga ito sa kanyang pinaplano. Ang katwiran ni Basilio, inakala niyang ito ang makabubuti ngunit panggagamot ang kanyang hilig. Sinabi ni Simoun na kailangang unahin ang paggamot sa sakit ng bayan kaysa ano pa man. Ang nais naman ni Basilio ay makapaglingkod sa Bayan kaya siya kumuha ng Medisina. Sa huli, nauwi ang kanilang pag-uusap sa tagisan ng karunungan. Dito'y naramdaman ni Simoun na hindi sapat ang kanyang mga sinabi para mahikayat si Basilio. Sinabi niya na walang ibang ginawa si Basilio kung hindi maghinagpis sa bangkay ng kanyang ina ngunit handa nya itong tulungan na maghiganti. Ang sagot ni Basilio'y wala naman siyang mapapala sa paghihiganti. Ngunit kadalasan ng mga mabubuti ay naaapi. Pinaalala ni Simoun na maaari niyang danasin ang mga dinanas ni Ibarra. Sinabi niya pa na kung sakaling magkaroon ng pamilya si Basilio ay magkakaanak ito ng mababait na alipin at ang kanyang damdaming mabuti o masama ay mamamana nito. |
Kabanata 24 : Mga Pangarap |
Mag-uusap si Isagani at Paulita, na magkasinta sa Luneta. May kausap si
Isagani habang nakikitang kasama ng kanyang mahal si Juanito sa dulaan.
Nang nalaman ni Isagani na may gusto si Donya Victorina kay Pelaez ay
nag-iba ang emosyon niya at nagtawanan kasama ang kanyang kausap.
Kinuwento nila sa isa’t-isa ang mga nais nilang pangarap. Para kay
Isagani, nais niyang bumalik sa kanyang tanging lugar, sa nayon. Ang
lugar na iyon ay sinasabi niyang kaligayahan niya bago pa dumating si
Paulita sa kanyang buhay.
Ngayon naman, may nararamdaman siya na may kulang sa kanya ang bayang
iyon at ito ang kanyang sinta. Hindi pumayag si Paulita na lumakbay doon
sapagkat mas payag siya kapag tren ang gamit. Pinagkumpara ni Isagani sa
kanyang kaisipan ang pagpansin ng mga taong pampamahalaan kay Simoun at
sa mga kawal na sugatan. Mas pinansin ng mga tao si Simoun dahil mayaman
at may-kaya. Ang nasa isip niya any hindi lamang bansa ng Pilipinas kung
hindi ang Espanya na rin.
Nawala
ang lahat ng inis ni Isagani nang ngitian siya ni Paulita. Biglang
naging panira ng kasiyahan si Donya Victorina dahil tinanong nito
kung ang asawa niya ba ay nagtatago sa nayon nila. Walang binanggit
si Isagani. Nagtanong pa ulit si Donya Victorina na kung ano daw ba
ang mangyayari kung nagpakasal sila ni Juanito Pelaez. Sa halip na
magalit, pinuri niya pa rin si Juanito sa harap ng Donya kahit na
kinaiinisan niya ito. Pinausap niya sa wakas ang magsinta at kung
magkatuluyan man ang dalawa, magiging pokus niya si Juanito
|
Kabanata 25 : Tawanan at Iyakan |
Naganap ang piging ng mga estudyante sa Panciteris Macanista de Buen
Gusto. Nagtawanan ang mga estudyante ngunit mababakas ang hinanakit ng
bawat isa. Dumating si Isagani at si Pelaez na lamang ang kulang,
hiniling niya na dapat ay si Basilio na lamang ang nasa piging sa halip
na si Juanito Alfonso III sapagkat malalasing lamang si Basilio at
maibubunyag niya ang lihim sa mga nawawalang bata. Masaya silang
nagkainan at ang pansit langlang ay ibinigay kay Don Custodio.
Pinagtalumpati si Tadeo at hindi ito handa ngunit nagsimula siya kahit
papaano. Gaya ni Tadeo pinagtalumpati din si Pecson. Binatikos niya ang
mga prayle dahil mula bata hanggang kamatayan ay kasama nila ang mga
prayle. Narinig ng utusan ni Padre Sibyla ang talumpati ni Pecson at
sumakay sa karwahe paalis. |
Kabanata 26 : Mga Paksil |
Nagising ng maaga si Basilio upang dalawin ang kanyang pasyente sa
ospital ng San Juan de Dios. Matapos nito'y tutungo sya sa pamantasan
para sa kanyang lisensiyatura. Nais niya ring makita si Makaraig upang
makahiram ng salapi sapagkat ang kanyang naimpok ay ginugol niya sa
pagpapalaya kay Huli.
Sa daan, nakadaupang palad ni Basilio ang propesor na naging malapit sa
kaniyang loob. Tinanong nito kung kabilang siya sa mga dumalo sa piging
kagabi at mabuting wala raw siya doon. Nang malamang miyembro si Basilio
ng kapisanan ay pinayuhan niya itong umuwi't sirain lahat ng kasulatan
na maaaring magdawit sa kaniyang pangalan.
Nabanggit niya si Simoun ngunit walang kinalaman ang huli dahil sa sugat
na natamo bagkos ibang tao ang may kinalaman dito. Naisatinig ni Basilio
kung mayroong tulisan ang kasangkot ngunit sagot ng propesor ay pawang
mga estudyante lang ang sangkot. Sa unibersidad daw ay nagkalat ang mga
mapanghimagsik na paskil.
Sa pagpapatuloy niya'y napag-alaman niyang maraming estudyante ang
makukulong, ibabagsak sa pag-aaral at pupugutan ng ulo.
Dahil dito'y naalala ni Basilio ang winika Ni Simoun na ititiwalag ang
sinumang hindi makatapos ng karera kaya't naghinala siya na ito ang may
pakana ng mga paskil.
Ibibilanggo ang lahat ng mga estudyanteng kabilang sa kapisanan. SI
Juanito ay tulirong paulit-ulit na sinasabing hindi siya kasama rito at
dali-daling lumisan nang makakita ng tanod.
Nakita ni Basilio si IsagEN-PHani na namumutla ngunit nagsisikip ang kalooban.
Ani nito'y hindi na mahalagang alamin pa ang may pakana nito sapagkat
ito'y tungkulin na ng mga prayle. Dagdag pa nito, ang mga nakasulat sa
paskil na ayon sa kanilang kalooban, maging sinuman ang sumulat ay
pinasasalamatan at kung hindi ay tutulan nalang at tanggihan. Ngunit
salungat dito si Basilio kaya't lumisan nalang siya at tinungo ang
kinariroonan ni Makaraig. Pinagsawalang bahala Ni Basilio ang mga
senyales ng mga kapitbahay at nang makaharap niya ang dalawang tanod ay
sinabi niya ang kanyang pakay. Dumating si Makaraig kasama ang dalawang
kawal at Kabo. Kinuwestiyon ng Kabo si Basilio at isinama sa mga dinakip. |
Kabanata 27 : Ang Prayle at Estudyante |
Ipinatawag ng isang katedratikong si Padre Fernandez si Isagani at
siyang pinuri sa talumpati nito sa pagkakaroon nito ng paninindigan.
Sinabi ni Padre Fernandez na marami na siyang naturuan at sinisikap na
maturuan na mga estudyante. Ang mga ito ay maraming sinasabi sa mga
prayle subalit mga hindi naman makapagsalita sa kanilang harap. Kinontra
naman ito ni Isagani at sinabi na hindi kasalanan ng mga ito ang
magsalita laban sa nakatataas. Inisa-isa nito ang mga mali at hindi
magandang gawain ng mga prayle sa pagtuturo. Aniya na kontratista ang
mga prayle dahil sila pa mismo ang nagsasabi na hindi dapat pag-aralin
ang mag-aaral. Sinabi naman ng pari na ito daw ay dahil hindi
karapat-dapat ang mga walang lakas ng loob at mayroong hindi magandang
asal. Tinuran din ni Isagani na kung ganito ang klase ng kabataan ay
iyon ay dahil sa kanilang kagagawan bilang sila ang nagtuturo sa mga ito.
Ikinatwiran ng pari na ito ay ipinag uutos lamang sa kanila ng
pamahalaan. Sinabi nito na hindi daw dapat sa kanila at sa pamahalaan
isisi ang pagkakaroon ng masamang ugali ng mga mag-aaral kundi sa
masamang pagkakatatag ng kanilang samahan. |
Kabanata 28 : Pagkatakot |
Ipinagmamalaki ni Ben Zayb sa El Grito na tama ang kaniyang turan na
napapasama lamang ang mga Pilipino sa pag-aaral. Si Quiroga ay nagalak
na pumunta kay Simoun upang makipanayam sa pagkakalat ng pulbura at mga
armas. Ngunit hindi niya ito nakausap at ipinasabi na huwag na lamang
galawin ang kahit ano. Kumalat ang balita sa San Mateo sa magaganap raw
na paglusob. May mga estudyante ang pumunta sa Malakanyang subalit
sila’y nahulihan ng mga armas. May mga nagpapanukala sa mga maaaring
gawin ng pamahalaan upang matigil ang gulo. Kina kapitan TIyago ay
dumaitng si Padre Irene at siyang nagsasabi ng mga nakakatakot.
Nanginginig ang matanda habang nagpupumilit bumangon hanggang sa namatay
itong bumubula ang bibig. Sa isang simbahan ay may nagsabog ng kuwalta
na siyang pinag-agawan ng mga bata. Inakala ng isang opisyal na gawa
iyon ng mga pilibustero. Pinaghahabol ng sable ang mga batang nagsipasok
sa simbahan. Nagtakbuhan ang mga tao at sinasabing nagsimula na raw ang
himagsikan may dalawang tao ang nahuling nagbabaon ng armas subalit
hindi ito nahuli. Ang mga napagtatanungan ay binabaril. Sa isang
tindahan ay nabanggit si Isagani. Ito raw ay luko-luko dahil kusa raw
nagpahuli. Ano daw kaya ang gagawin ni Paulita, kung ito raw ba ay
magpapakasal sa iba. Marami na rin ang nag rorosario at nagdadasal sa
mga bahay-bahay. Sa bahay naman ni Placido Penitente ay hindi naniniwala
ang platero sapagkat iyon daw ay kagagawan lamang ni Padre Salvi. Ayon
naman sa isa ay si Quiroga raw ang may kagagawan. Natigil ang pag-uusap
nang dumating si Placido kasama ang manggniya gawa ng pulbura ni Simoun.
Hindi raw nakausap ni Placido ang mga bilanggo. Sabi ng isa ay pupugutan
ang mga ito ng ulo sabi naman ng isa ay hindi raw iyon magyayari
sapagkat ang nagsabi na si Simoun
ay may sakit.gabing iyon ay artilyerong kastila ang siyang
nagbantay sa pinto ng siyudad. Kinabukasan sa Luneta, sa may pinto ay
may natagpuang bangkay ng dalagitang kayumanggi na halos hubad. Nakita
iyon ni Ben Zayb subalit hindi na nabalita. |
Kabanata 29 : Ang Huling Pati-ukol kay Kapitan Tiyago |
Namatay si Kapitan Tiyago dahil sa kumplikasyon sa baga. Si Padre Irene ang namahala sa mga pamana nito. Bahagi ng pamana ay mapupunta sa Santa Clara, sa Papa, sa Arsobispo, sa mga korporasyines. Beinte pesos ang para sa matrikula ng mga dukhang mag-aaral habang ang beinte-sinco na binawi ni Kapitan Tiyago na ibibigay sana kay Basilio ay ibinalik ni Padre Irene at sinabing sa kanya ito galing. Pinagtalunan kung ang isusuot kay Kapitan Tiyago ba ay prak o isang abito na mungkahi ni Kapitan Tinong. Nanaig ang desisyon ni Padre Irene na bihisan ito ng kahit alin sa mga suot nito dati. SI Donya Patrocino ay inggit na inggit sa libing ni Kapitan Tiyago at nais na mamatay na rin upang magkaroon ng libing na higit pa sa libing ni Kapitan Tiyago. |
Kabanata 30 : Si Huli |
Ang pagpanaw ni Kapitan Tiyago at ang pagkadakip kay Basilio ay isang
balita na halos alam ng mga tao sa lugar ng San Diego. Kung dinamdam ito
ng buong San Diego, mas lalo itong dinamdam ng isang tao na
nagngangalang, Huli. Hindi niya maalis ang mga pangyayari sa kanyang
kaisipan. Nais niyang lapitan si Padre Camorra para lamang kay Basilio
sapagkat ang padreng iyon ay makapangyarihan. Nagdulot ito ng mga
bangungot sa kanya gabi-gabi. Nagdadalawang-isip si Huli kung hihingi ba
siya ng tulong o hindi.
Nag-iisa na lamang si Basilio sa piitan at ang mga kasama niya noon ay
nakalaya na. Dahil siya na lang ang nakapiit, nakaplanong itapon siya sa
Carolinas. Napilitan si Huli na lapitan si Padre Camorra kahit na lama
niya ang mga binabalak nito. Si Hermana Bali rin ang pumilit rin sa
kanya dahil ang akala nito ay ang pari na lamang ang natitirang pag-asa
para sa pagkalaya ni Basilio. Nangyari ang inaakala ni Huli, ang
panggagahasa sa kanya kaya siya ay tumalon sa bintana at naging dahilan
ng kanyang pagkamatay. Ang naganap ay naging usapan sa lugar.
Nilapitan siya nina Tandang Selo at Hermana Bali. Si Tandang Selo ay
nagsisigaw at nagwawala dahil sa nangyari sa apo. Alam niyang hindi
mahahanap ang hustisya para sa apo kaya lumapit na lamang siya sa mga
tulisan.
Dinamdam ni Huli ang pagkakahuli sa kanyang kabiyak na si Basilio at
pagkamatay ni Kapitan Tiyago. Umuukilkil sa kanyang isipan ang mga
pangyayari kaya’t hindi mapalagay ang kanyang damdamin. Nagdadalawang
isip noong una ay nilapitan niya upang mabigyang kandili ni Padre
Camorra at makalaya si Basilio. Alam ni Huli na sa kanyang paghingi ng
tulong kay Padre Camorra ay may kapalit. Kinagabihan, ay naging
usap-usapan ang pagtalon ni Huli sa bintana ng kumbento. Ang ingkong
naman ni Huli na si Tandang Selo ay nagwawala habang nananagis sa harap
ng kumbento at sa huli ay sumama sa tulisan sa kawalan ng pag-asang
matatama niya ang katarungan para sa kanyang apo. |
Kabanata 31 : Ang Mataas na Kawani |
Ang pagkamatay ni Huli ay hindi napabalita sa mga pahayan at tanging
kabutihan lang umano ng heneral ang pinamalita sa tulong ni Ben Zayb.
Nakalaya na sila Isagani at Makaraig habang nanatiling nakakulong si
Basilio. Ipinagtanggol ng kawani ang binata at inilarawan ito bilang
mabuting bata na malapit nang magtapos sa pag-aaral nito ng Medisina.
Ngunit mas lalong ginusto ng Heneral na makulong ito matapos marinig ang
mga sinabi ng kawani. Ito daw ay magsisilbing halimbawa sa iba.
Inakusahan din nito si Basilio na gumagamit ng bawal na aklat sa
Medisina. Ayon sa kawani ay dapat matakot ang Heneral sa mga ginagawa
nya sa bayan na tinawanan lang nito dahil sa kadahilanang bansang
Espanya daw ang nagtalaga sa kanya sa posisyon at hindi ang bansang
Pilipinas. Matapos lumisan ng kawani makaraan ang dalawang oras,
nagbitiw ito sa puwesto at nagwikang babalik nalang sa Espanya sakay ng
susunod na barko. |
Kabanata 32 : Ang Bunga ng Mga Paskil |
Sina Makaraig, Pecson, Juanito Pelaez, at Tadeo ay
hindi nakapasa sa kanilang mga eksamen at kurso sa unibersidad.
Gayunpaman, natuwa pa rito si Tadeo at nagawa pang sunugin ang kanyang
mga aklat. Itinali ng ama sa negosyo si Pelaez. Si Makaraig naman ay
agarang tumungo sa Europa. Tanging sina Isagani at Sandoval lamang ang
nakapasa. Si Basilio ay hindi pa nakakapagsagot ng pagsusulit dahil nasa
bilangguan siya. Dito na rin niya nalaman ang pagkawala ni Tandang Selo
at pagkamatay ni Juli sa pamamagitan ng kutserong si Sinong. Si Simoun
ay mamamahala ng isang piging sa bahay ni Kapitan Tiyago na nakuha ni
Don Timoteo Pelaez.
Ilang linggo na ang lumipas,
nabalitaan nilang ikakasal na si Juanito kay Paulita kung saan ninong
ang Kapitan Heneral at si Simoun ang mag-aayos nito. Abala ang karamihan
sa gaganaping kasalan. Ngunit ang iilan ay iniisip na makipagkaibigan
kina Simoun at Don Timoteo para makadalo sa kasalan. |
Kabanata 33 : Ang Huling Matuwid |
Maagang nag-ayos si Simoun ng kanyang mga hiyas at armas sapagkat araw
na ng kanyang pag-alis at sasabay siya sa Kapitan Heneral. Kinahapunan,
nagkulong siya sa kanyang silid at naghabilin na huwag magpapapasok ng
kahit na sinuman bukod kay Basilio. Nang dumating si Basilio, nagulat
siya sa laki ng ipinayat ipinagbago nito. Sa kanilang pag-uusap ay
inamin ni Basilio kung paanong naging masamang anak ito sa kanya at
sinabing aayon na ito sa mga plano ni Simoun kaya’t matutuloy na ang
himagsikan. Iginaya ni Simoun si Basilio sa laboratory upang maipakita
ang isang granadang nakakubling tila isang karaniwang ilawan lamang.
Sinabi niya kay Basilio na sa kapistahan nila ito gagamitin upang
makapaminsala sa mga bisita sa pista. Upang magtagumpay ang kanyang
binabalak, pinaplano ni Simoun na makipagtagpo kay Kabesang Tales sa
siyudad upang maibigay nito ang mga armas kay Kabesang Tales. Si Basilio
naman ang mamumuno sa mga arabat at magkukuta roon upang sumaklolo kina
Simoun. Papaslangin niya ang mga taong laban sa paghihimagsik pati na
rin ang mga lalaking tatangging sumanib sa kanila. Sinabihan ni Simoun
si Bsilio na sa ika-10 ng gabi’y magtatagpo sila sa tapat ng simbahan ng
San Sebastian para sa mga huling tagubilin. |
Kabanata 34 : Ang Kasal ni Paulita |
Ika-walo na ng gabi ng maisip ni Basiliong makituloy sa kaibigang si
isagani ngunit hindi rin natuloy nang malamang hindi umuwi ang kaibigan
sa araw na iyon. Samantala, 2 oras na lamang ang nalalabi bago sumabog
ang ilawan ni Simoun. Sinalat ni Basilio ang baril at naalala ang babala
ni Simoun na lumayo sa daang Anloague. Sa daang iyon matatagpuan ang
bahay ni Kapitan Tiyago at may nabanggit din si Simoun na doon idaraos
ang kasal nina Paulita at Juanito. Nang makita niya ang pagdating ng
sasakyan ng bagong kasal, naisip niya si isagani. Nakadama siya ng awa
para dito at naisip na yakagin itong sumama sa himagsikan ngunit
napagtanto niyang malaki ang tyansang hindi ito pumayag sapagkat hindi
nito naranasan ang kanyang mga naranasan. Muli niyang naalala ang
kanyang pagkabilanggo, kabiguan sa pag-aaral, at ang nagyari kay Huli.
Hinawakan niya ang puluhan ng kanyang baril at ninais na dumating na ang
araw na kanyang pinakahihintay. Dumating si Simoun at ang kutserong si
Sinong at sinundan ang sasakyan ng bagong kasal. Nagtungo rin si Basilio
sa bahay ni kapitan Tiyago sa Anloague kung saan gaganapin ang kasal.
Makikita doon ang kapitan heneral na ninong sa kasal habang dala naman
ni Simoun ang ilawang handog. Halata ang labis na karangyaan na
masasalamin sa bahay; ang dinding kung saan nakadikit ang magagarang
palamuting papel, kurtinang may mga pulang pelus na nabuburdahan ng
ginto at may unang titk ng mag-asawa, at ang pinakamasasarap at mahal na
mga alak na nakahain sa hapag. Palibhasa’y ubos-kaya si don’tomoteo na
siyang ama ng kinakasal. |
Kabanata 35 : Ang Piging |
Ikapito ng gabi nang dumating ang mga bisita sa bahay ni Kapitan Tiyago
kung saan ginaganap ang piging para sa ikinasal. Lahat ng mga bisita,
anuman ang estado sa buhay, pinagpupugayan ni Don Timoteo. Dumating na
rin sina Donya Victorina at Padre Salvi ngunit wala pa ang Heneral.
Matapos ang ilang pangyayari ay dumating na ang Heneral. Naroon si
Basilio sa harap ng bahay na nanonood sa mga nagdadatingan. Naawa siya
dahil sa mga inosenteng madadamay kaya naisip niyang magbigay ng babala.
Ngunit ng makita niya sina Padre Salvi at Padre Irene ay hindi na niya
itinuloy. Nakita niya si Simoun na kakila-kilabot ang anyo, dala ang
ilawan. Naalala ni Basilio ang dinanas ng kanyang ina, kapatid, at ni
Huli. Gusto niyang iligtas ang mga nasa bahay ngunit pinigilan siya ng
mga tanod dahil sa kanyang itsura. Nakita ito ni Simoun. Ang mukha
niya’y parang nagsasabing tumuloy sa sasakyan at nag-utos na,”Sa Eskolta.
Matulin!”. Lumayo si Basilio at nakita si Isagani. Ipinaliwanag niya ang
tungkol sa ilawan saka umalis. Naisip niyang kasamang sasabog sa bahay
si Paulita. Samantala sa loob ng bahay ay may nakita ang mga nagpipiging
ng kapirasong papel na may nakasulat na “Mane Thacel Phares” at “Juan
Crisostomo Ibarra”. Sabi ni Don Custodio ay biro lamang iyon dahil
matagal nang patay si Ibarra. Pero nang makita ito ni Padre Salvi ay
sinabi niyang pirma niya ito. Nanlambot siya sa takot. Sinabi ng Kapitan
Heneral na huwag na iyon intindihin at magpatuloy na lamang sa pagkain.
Nagsalita si Don Custodio. Pakiramdam niya na ang sulat ay
nangangahulugang papatayin silang lahat noong gabing iyon. Binitawan
nila ang mga kubyertos sa akalang nilalason sila. Utos ng Kapitan
Heneral kay Padre Irene na itaas nito ang mitsa ng ilawan. Dali-daling
may pumasok, tinabig ang utusang humadlang dito at kinuha ang ilawan.
Itinakbo niya ito sa asotea tsaka itinapon sa ilog. Ang anino ng kumuha
ng ilawan ay tumalon rin sa ilog. |
Kabanata 36 : Mga Kapighatian ni Ben Zayb |
Patakbong tinungo ni Ben Zayb ang kanyang tanggapin mula sa bahay ni
Kapitan Tiyago upang sulatin ang pangyayari. Ipinalabas niyang bayani
ang Kapitan-Heneral, sina Padre Irene, Don Custodio, at Padre Salvi.
Ngunit ibinalik ito ng patnugot ng pahayagan dahil ipinagbawal ng
Heneral ang pagbanggit sa ano mang ukol sa nangyari.
Dumating ang balita mula Pasig na nilusob ng maraming tulisan ang
bahay-pahingahan ng mga prayle at may natangay ang mga itong dalawang
libong piso. Nasugatan ang isang prayle at dalawang utusan. Naisip ni
Ben Zayb na gawing bayani ang kura na natamo ang kanyang mga sugat sa
pagtatanggol.
Natungo siya sa Pasig at naabutang sugatan si Padre Camorra. May isang
maliit na sugat sa kamay at may pasa sa ulo. Tatlo ang magnanakaw na may
dalang gulok. Limampung piso ang nanakaw. Ayon ditto ay hindi tama ang
salaysay ni Padre Camorra at kailangan daw gawing marami ang tulisan.
May nadakip sa mga tulisan. Sila raw ay inanyayaha na sumama kina
Matanglawin upang salakayin ang kumbento at bahay ng mga mayayaman.
Pangungunahan sila ng isang Kastila na mataas, kayumanggi, puti ang
buhok at ang sabi ay kumikilos ito sa utos ng Kapitan-Heneral na
kaibigan daw nito. Katulong pa raw nila ang mga artilyero kaya’t wag daw
matakot. Ang hudyat ay isang malakas na putok pero walang putok kaya
inakala ng mga tulisan na sila ay niloko. Sigurado ang ilan na bumalik
ang iba sa bundok. Nais nilang maghiganti sa mga Kastila na lumoko sa
kanila. Ang mga tulisan ay nagpasyang manloob.
Ayaw paniwalaan ang mga tulisang si SImoun ang nilalarawan na puno nila.
Ngunit hindi natagpuan si Simoun sa bahay niya. Maraming bala at pulbura
ang nakita roon. Si Don Custodio ay naghanda ng habla laban kay Simoun.
Mabilis kumalat ang balita tungkol sa mag-aalahas. Marami ang hindi
makapaniwala dito. |
Kabanata 37 : Ang Hiwagaan |
Lumaganap parin sa mga mamamayan ng palihim ang mga nangyari noong gabi.
Dahil ang payat na platerong si Chikoy ay nagdala ng hikaw kay Paulita,
nakita niya ang maraming supot ng pulbura sa ilaim ng mesa, silong,
bubungan, sa mga likod ng upuan sa baha ni Kapitan Tiyago. Maaring
nakaaway ni Don Timoteo o karibal ni Juanito kay Paulita ang maaring
gumawa ng bagay na iyon ayon kay Ginoong Pasta. Binalaan si Isagani na
magtago ngunit ngiti lamang ang iginanti nito. At dagdag pa ni Chikoy,
may dumating na mga sibil ngunit walang mapagbintangan ngunit si Don
Timoteo at Simoun lamang ang namahala sa pinagganapan ng piging.Natakot
ang babaeng tagapakinig at nagpahayag ng sari saring opinyon na marahil
ang prayle, si Quiroga, mga mag aaral o si Makaraig ang may kagagawan.
Ngunit sabi pa ni Chikoy, si Simoun ang may pakana ng lahat ayon daw sa
ilang kawani dahil ito'y nawawala at pinaghahahanap ng mga sibil.
Paglipas ng sandali ay agad namang umalis si Isagani at hindi na bumalik
pa sa kanyang amain. |
Kabanata 38 : Kasawiang Palad |
Halos buong Luzon na ang nagambala ni Matanglawin. Siya
ay isang tulisan na nanununog, nangungulimbat at naninira ng kapayapaan.
Palipat-lipat ng lugar ngunit walang nakakahuli sa kanya. Dahil hindi
mahuli ng mga pulis, ang mga magsasakang walang alam ang dinadakip nila. Nakagapos at nakayapak na naglalakbay sa initan ang mga magsasaka na nawawalan ng pag-asa at napopoot. Pinaparusahan sila kapag may isa na matutumba sa guton at pagod. At sa sobrang hirap ay hinihiling na lang na patayin na lang siya. Bukod pa sa pahirap ay kinukutya rin sila ng mga guwardiya sibil ngunit hindi naman lahat. May isang guwardiya na tutol sa pagmamalupit at pinipigilan ang mga kasamahan. Nagtalo ang guwardiya na tutol sa pagmamalupit na si Carolino na bago pa lamang at ang isa sa mga guwardiyang nagpapahirap na si Mautang. Hanggang sa isang bilanggo ang sinumpong ng ihi at tawag ng kalikasan. Siya ay nagpaalam ngunit di pinayagan. Hanggang sa isang iglap ay gumulong gulong si Mautang sa lupa at duguan, binaril. Isang putok ulit at tinamaan ang isang kabo sa bisig at namaluktot sa sakit. Ang sumunod ay ang mga bilanggo na pinagbabaril. Saka pa lamang gumanti ang mga nasa batuhan at sa bundok. Lumusob ang mga sibil sa pinagtataguan ng kanilang kalaban at sila ay nabigo. Isang lalaki ang lumitaw sa ibabaw ng talampas at iwinasiwas ang baril. May isinisigaw ito ngunit hindi maintindihan ni Carolino. Nagpalitan pa sila ng putok. Lumusob ang mga sibil at pinaputukan ang lalaking nag amba ng sibat na siya naman nabulid. Nakita ng unang umabot sa talampas ang isang matandang lalaki na nanghihingalo at binayuneta ito. Nagulat si Carolino, si Tandang Selo ang matanda, ang kanyang tiyo. Namatay ito nang may tinuturo sa likod ng talampas. |
Kabanata 39 : Katapusang Kabanata |
Malungkot na tinugtog ni
Padre Florentino ang kanyang armonyum dahil sa pag-aakalang si Don
Tiburcio ang tinutukoy sa telegrama. Pinabasa ng tenyente ng mga
guwardiya sibil sa kanilang bayan ang telegrama kay Padre Florentino na
may nakalagay na “Espanyol escondido casa Padre Florentino cojero
remitara vivo muerte”.
Nang matanggap ni Padre Florentino ang telegrama pinaghinalaan niyang si
Simoun ay tumakas sa mga kawal kung kaya’t malubha ang natamong niyang
sugat.
Inisip ng pari kung bakit sa kanya ninais ni Simoun mamalagi kung dati’y
napakababa ng tingin sa kanya nito. Pumasok si Padre Florentino sa silid
ni Simoun at tila nawala ang mapangutyang ngiti nito. Uminom pala siya
ng lason at tinitiis lang ang sakit na nararamdaman. Maghahanap sana ng
lunas ang pari ngunit pinigilan siya ni Simoun.
Pinagtapat ni Simoun ang totoo niyang katauhan kay Padre Florentino at
nagulat ito. Tinakpan ng pari ang kanyang mukha upang ituring na isang
kumpisal ang pagtatapat ni Simoun. Inabot hanggang gabi ang pagtatapat
ni Simoun at humingi ang pari ng tawad sa mga pagkukulang ni Simoun.
Namayani ang katahimikan at biglang bumuntong hininga si Simoun,
pagkatapos noon ay higit na mahabang katahimikan ang namayani. |